Oil price rollback, asahang ipatutupad sa mga susunod na araw

Matapos ang ilang linggong magkakasunod na pagtaas sa presyo ng langis, inaasahan naman ang oil price rollback sa mga susunod na araw.

Sa fuel price forecast ng Unioil Petroleum Philippines, sinabi na maaaring bumaba sa P0.90 ang presyo sa kada litro ng gasolina, habang P0.40 hanggang P0.50 ang rollback sa kada litro ng diesel.

Tuwing Lunes karaniwang nag-aanunsiyo ng price adjustment ang mga kumpanya ng langis na nagiging epektibo tuwing Martes.

Please follow and like us: