Oil price rollback, ipapatupad bukas

Magpapatupad ng oil price rollback ang mga kumpaniya ng langis bukas, Setyembre 19.

Batay sa abiso ng Department of Energy, posibleng bumaba ng P0.15 ang presyo ng kada litro ng gasolina, P0.10 sa kada litro ng diesel at P0.05 naman sa kerosene.

Ayon kay Energy Undersecretary at Spokesman Felix Fuentebella, bunsod ang naturang rollback ng mababang demand ng mga produktong petrolyo habang nananatiling mataas ang suplay nito sa world market.

Batay sa pinakahuling tala ng DOE, naglalaro sa P29 hanggang P37 ang presyo ng kada litro ng diesel at P40 hanggang P50 naman ang presyo ng kada litro ng gasolina.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *