Oil Price Rollback, muling ipatutupad bukas

Muli na namang magpapatupad ng rollback sa presyo ng mga produktong petrolyo ang mga kumpanya ng langis bukas, Marso 28.

Ayon sa source sa industriya ng langis, maglalaro sa ₵0.20 hanggang ₵0.30 ang rollback sa presyo ng kada litro ng Diesel.

Nasa ₵0.10 hanggang ₵0.20 naman ang posibleng i-rollback sa presyo ng kada litro ng Kerosene.

Habang posibleng ₵0.15 kada litro o hindi na magpatupad ng rollback sa presyo ng Gasoline.

Ito na ang ika-apat na sunod na linggong nagpatupad ng tapyas presyo ang mga kumpaniya ng langis sa kanilang mga produkto.

Please follow and like us: