Online appointment scheduling sa US Consular Agency sa Cebu, available na

Inanunsiyo ng US Embassy na available na ang online appointment scheduling sa US Consular Agency sa Cebu.

Ayon sa abiso ng embahada, maaari nang magpa-book ng appointment sa website nito ang US citizens na mag-a-apply para sa Consular Reports of Birth Abroad, first-time passports bilang adult, o kaya ay para mag- apply o mag-renew ng pasaporte sa minor child.

Sinabi ng embahada na hindi maaaring makapag-book ng appointment sa mga nasabing serbisyo sa pamamagitan ng email.

Hinimok ng US Embassy ang lahat ng adult U.S. citizens sa Pilipinas na i-renew ang kanilang pasaporte by mail kung puwede at bayaran online ang fee.

Ito ay dahil limitado pa rin ang mga in-person appointments para sa mga routine services sa Consular Agency sa Cebu at sa US Embassy sa Maynila.

Pinayuhan din ang mga ito na kung may sakit o sintomas ng COVID-19 ay huwag nang magtungo sa embahada o consular agency.

Maaari naman na ikansela ang appointments at i-reschedule ito sa ibang petsa dahil wala rin na penalty sa magpapabago ng appointment ngayong may pandemya.

Moira Encina

Please follow and like us: