Opensiba ng militar laban sa Maute group nasa critical stage na ayon sa Task Force Marawi

Nasa critical stage na ang isinasagawang opensiba ng militar laban sa mga teroristang Maute sa Marawi dahil sa pagitan na lamang ng mga gusali nagaganap ang sagupaan.

Sinabi ni AFP-Western Mindanao Command at Task Force Marawi Spokesperson, Captain Joan Petinglay na hindipa rin sila nagpapakakampante lalo at tila hindi sumusuko ang mga kalaban.

Samantala, umakyat na sa animnaraan animnapu’t dalawa (662) ang namamatay sa mahigit dalawang buwang bakbakan sa Marawi.

Nasa isandaan at labing-anim (116) ang nasawi sa panig ng tropa ng gobyerno.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *