Opensiba ng militar vs. ASG hindi ititigil – AFP

Hindi ititigil ng militar ang opensiba laban sa bandidong Abu Sayaff.

Sa harap ito ng ginawang pagpugot sa isa sa kanilang bihag na si Noel Besconde.

Ayon kay AFP Spokesman Colonel Edgard Arevalo, mas pinaigting pa nila ang operasyon laban sa mga bandido habang hinahanap rin ang katawan ng biktima.

Itoy para mabigyan rin  ng maayos na libing at maibalik sa kaniyang pamilya ang biktima.

Una nang kinumpirma ng Joint Task Force Sulu na si Besconde ay dinukot sa Celebes Sea noong Disyembre.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published.