Operasyon ng LRT-2 suspendido mula Marso 28-31 upang bigyang daan ang maintenance activities

Photo courtesy of eaglenews.ph

Suspendido ang operasyon ng Light Rail Transit-2 (LRT-2) mula Marso 28-31 upang bigyang daan ang taunan nilang maintenance activities.

Ayon sa Light Rail Transit Authority (LRTA), sa Miyerkoles, Marsp 27 o isang araw bago ang suspensiyon ng kanilang mga operasyon, ang LRT-2 ay magpapatupad ng mas maikling operating hours.

Sa nabanggit na araw, ang unang tren ay aalis sa Recto Station at Antipolo Station ng ala-5:00 ng umaga.

Ang huling tren naman ay aalis sa nasabing mga istasyon ng alas-7:00 ng gabi.

Sinabi ng LRTA na ang regular na operasyon ng LRT-2 ay babalik sa Abril uno.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *