Operasyon ng mga korte sa Batanes, suspendido dahil sa Bagyong Betty

Walang pasok ang lahat ng hukuman sa Batanes simula ngayong Lunes, Mayo 29 bunsod ng Bagyong Betty.

Ang suspensyon ay iniutos ni Acting Presiding Judge Ma. Antonia Largoza- Cantero.

Ito ay matapos na suspendihin ng Batanes Provincial Government ang pasok sa lahat ng pampubliko at pribadong tanggapan sa lalawigan.

Maaari namang ma-contact ng publiko ang mga korte sa Batanes sa kanilang opisyal na email addresses.

Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *