Operasyon ng mga korte sa NCR at ilan pang rehiyon, suspendido sa Lunes dahil sa Super Typhoon Karding

Sinuspinde na rin ng Korte Suprema ang mga operasyon ng lahat ng hukuman sa mga lugar na apektado ng Super Typhoon Karding.

Partikular na walang pasok sa Lunes ang mga korte sa National Capital Region, Regions 3, 4, at 5.

Ipinauubaya naman ng Supreme Court sa executive judges o justices sa ibang rehiyon ang pagpapasya kung magsususpinde ng operasyon.

Ang kautusan ay pirmado ni Acting Chief Justice Marvic Leonen.

Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published.