Oral arguments ng SC sa mga petisyon laban sa paglipat sa sobrang pondo ng PhilHealth, umarangkada na

0
Oral arguments ng SC sa mga petisyon laban sa paglipat sa sobrang pondo ng PhilHealth, umarangkada na

Sinimulan na ng Korte Suprema ang oral arguments sa mga petisyon laban sa paglipat ng Department of Finance (DOF) ng halos P90 bilyong sobrang pondo ng Philippine Health Insurance Corporation’s (PhilHealth) sa National Treasury.

Nagharap sa oral arguments ang kampo ng petitioners at ang panig ng gobyerno sa pangunguna ng Office of the Solicitor General, na tumatayong abogado ng pamahalaan at ilang miyembro ng gabinete.

Bago pa man ang oral arguments ay nagsagawa ng kani-kanilang kilos-protesta ang mga petitioner at mga grupong sumusuporta sa pagkuwestiyon sa transfer ng PhilHealth funds.

Isa sa mga nag-rally ang Health Alliance for Democracy na inihalintulad sa pork barrel ang paglipat ng PhilHealth budget para pondohan ang unprogrammed appropriations.

Sa oral arguments, nanindigan ang kampo ng petitioners na iligal at labag sa Universal Healthcare Law at sa Konstitusyon ang ginawang paglipat ng pondo ng PhilHealth sa ibang proyekto ng pamahalaan.

Iginiit ng petitioners na dapat gamitin ang pondo ng PhilHealth sa healthcare ng mga indibidwal na miyembro.

Sinabi ni Atty. Katrin Jessica Distor-Gunigundo, “Why funds as exorbitant as 89.9billion even exist and utilized what legal or moral reason would exist to revert such amount to national treasury instead of using the same to resuscitae already dilapidated healthcare system?”

Ayon sa DOF, una nang nailipat ang P60 billion excess fund ng PhilHealth noong Disyembre ng nakaraang taon na ginamit para pondohan ang mga critical health project.

Kaugnay nito, iginiit ni Solicitor General Menardo Guevarra sa oral arguments na walang masamang motibo, dumaan sa tamang proseso at ligal ang nasabing hakbangin ng pamahalaan.

Layon aniya nito na pondohan ang priority projects gamit ang unused funds ng GOCCs sa halip na magpataw ng mga panibagong buwis at mangutang.

Paliwanag ni Guevarra, “It is a common sense approach that doesnt violate any law much less the constitutiin in any way. Indeed our government will not be acting with common sense if it much needed projects because one pocket is short on funds while knowing fully there is abundance in others.”

Moira Encina-Cruz

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *