Ospital ng Maynila, handa na sa mga summer disease

Handang handa  na ang Ospital ng Maynila sa mga sakit na may kaugnayan ngayong summer partikular na ang heatstroke.

Ayon kay Dra. Rachell Marinas, director ng Ospital ng Maynila , kabilang sa kanilang ginagawa para maiiwas ang mga Manileno sa nakamamatay na heatsroke ay ang pamimigay ng mga flyer.

Ito ay para malaman ng publiko ang sintomas ng heatstorke at kung ano ang dapat gawin kung makaramdam nito.

Bukod dito, nagsasagawa din ng lecture ang mga kawani ng ospital sa mga out patients para matiyak na makaiwas ang mga ito sa nabanggit na sakit.

Please follow and like us: