Oust Duterte plot, gawa-gawa lang ng Malacañang – Senador Bam Aquino

Umalma ang oposisyon sa pagdawit sa kanila ng pangulo sa umanoy
planong pagpapatalsik sa pwesto.

Ayon kay Senador Bam Aquiino, gawa-gawa lang ito ng administrasyon
para i-divert ang atensyon ng publiko sa tunay na isyu.

Marami na kasi aniya ang bumabatikos sa mga kaso ng pagpatay bunga ng
war on drugs ng administrasyon at hindi pa rin namamatay na isyu ng
kaniyang bank accounts na hindi umano idineklara sa kaniyang statement
of assets liabilities at networth.

Reklamo ni Aquino, tila bahagi ito ng political persecution na
ginagawa ng administrasyon sa mga lumalaban at bumabatikos sa mga
kapalpakan ng pamahalaan.

Iginiit naman ni LP President at Senator Kiko Pangilinan na walang
batayan ang paratang ng pangulo dahil mismong si Defense Secretary
Delfin Lorenzana na ang nagsabing wala silang namomonitor na anumang
banta ng destabilisasyon o anumang planong pagpapatalsik sa
administrasyon.

Ulat ni Meanne Corvera

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *