Outdoor exercises, bawal muna habang umiiral ang ECQ

Bawal muna ang mga outdoor exercise sa Metro Manila habang may umiiral na enhance community quarantine.

Ayon kay MMDA Chairman Benhur Abalos, nagpasa ng resolusyon ang Metro Manila Mayors na nagbabawal sa pag eehersisyo sa labas ng bahay kasama na rito ang pagja jogging, walking at pagbibisikleta kung hindi naman papasok sa trabaho.

Kailangan kasi aniyang limitahan ang mga lumalabas ng bahay pa mapigilan ang pagkalat ng virus.

Nagkasundo aniya ang mga alkalde na mas higpitan ngayon ang panuntunan para protektahan ang kalusugan ng publiko.

Meanne Corvera

Please follow and like us: