Outgoing PNP Chief Gen. Ronald dela Rosa, pinamili ni Pangulong Duterte ng posisyong tatakbuhan sa 2019 Elections

Pinamimili ni Pangulong Rodrigo Duterte si outgoing PNP Chief Director General Ronald “Bato” Dela Rosa kung anong posisyon ang gustong takbuhan sa 2019 election.

Tinanong mismo ng Pangulo si Dela Rosa kung gusto niyang tumakbong gobernador ng Davao province o Senador.

Si Dela rosa ay nakatakdang isalin ang kanyang puwesto sa araw ng Huwebes kay incoming PNP Chief Director Oscar Albayalde sa Change of Command sa Kampo Krame na pangungunahan mismo ng Pangulo.

Nakatakda namang umupo si Dela Rosa bilang Director ng Bureau of Corrections pagkatapos ng kanyang retirement.

 Si Dela Rosa ay isa sa pinagkakatiwalaang opisyal ni Pangulong Duterte.

 

Ulat ni Vic Somintac

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *