Overhaul sa poll preparation, hindi pa kailangan!

Nilinaw ng COMELEC na hindi pa kailangang i-overhaul ang buong election preparation dahil lamang sa ilang problema sa source code at ballot printing.

Ayon kay COMELEC Chairman, Andres Bautista lubhang mabigat kung gagawin ang overhaul. Sinabi niya na masyadong malaki ang salitang ito para isalarawan lamang ang simpleng pag-aayos ng ilang aberya.

Sinabi naman ni COMELEC Spokesman, James Jimenez na kakayanin sa fine tuning ang kanilang mga natuklasang problema, katunayan ay ginagawa na daw ito at inaasahang makakahabol sa kanilang time table sa mga susunod na linggo.

Please follow and like us: