P 24-M na halaga ng iligal na droga nasabat ng Bureau of Customs sa tatlong parcel sa Pasay city

Aabot sa 24 milyong pisong halaga ng iligal na droga ang nasabat ng mga awtoridad sa tatlong parcel sa Pasay City.

Ayon sa Bureau of Customs, ang mga nasabing parcel ay mula sa Estados Unidos, France, at Pakistan.

Ang consignee naman ng mga ito ay naka-address sa Negros Occidental, Makati City, at Camarines Sur.

Matapos isalang sa physical examination natuklasan na maliban sa mga pouch ng candy at vape nadiskubre ang higit isang kilo ng shabu.

Ang mga iligal na droga, itinurn over na sa Philippine Drug Enforcement Agency habang patuloy ang ginagawang imbestigasyon ng mga awtoridad para mahuli ang mga nasa likod nito.

Madelyn Villar – Moratillo

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *