P1.5 Million halaga ng droga nasabat ng Valenzuela PNP

Arestado ng mga tauhan ng PNP Valenzuela Station Drug Enforcement unit ang isang lalaki sa kanilang ikinasa buybust operation sa Brgy. Marulas Valenzuela city.

Kinilala ni Police Colonel Salvador Destura, hepe ng Valenzuela PNP ang suspek na si Winrich Quizano ng BRGY 180 Caloocan city .

Nakuha sa suspek ang nasa 225 grams ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng mahigit 1.5 miliion pesos.

Nasa kustodiya na ng Valenzuela PNP ang suspek na nahaharap sa mga kasong section 5 at 11 ng Republic Act 9165 ng Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Edison Domingo Jr.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *