P25/kilo ng bigas, kinuyog sa Kadiwa Store ng DA

Dinagsa ng mga mamimili ang P25/kilo ng bigas na itinitinda sa Kadiwa Store ng Department of Agriculture (DA) sa Quezon City.

Sinabi ni Jimmy Vistar, isa sa rice producer sa Nueva Ecija na nagdala ng supply ng bigas sa Kadiwa Store, na limitado lamang sa limang kilo ang maaaring bilhin ng bawat mamimili.

Ayon kay Vistar maituturing na isang kembot na lamang ay maaaring makamit ang inaasam ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na maging P20/kilo ng bigas sa bansa.

Inihayag ni Vistar ang kailangan lamang ng full support ng gobyerno sa mga farm inputs sa rice production at maaaring maibaba sa P20/kilo ang presyo ng bigas.

Nagpahayag naman ng pasasalamat at katuwaan ang mga mamimili na pumila sa murang bigas na itininda sa Kadiwa store sa Department of Agriculture.

Vic Somintac

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *