P4.2 milyong peke at hindi rehistradong beauty products, nasamsam sa lungsod ng Malabon

Courtesy : PIO Malabon
Nasamsam ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG), ang nasa 30 kahon o tinatayang P4.2 milyong halaga ng pekeng beauty products sa ikinasang operasyon sa Sannyou Packaging Services sa Brgy. Maysilo, Malabon City.
Ayon sa report, tatlong Chinese at isang Pinoy ang kanilang naaresto ng mga tauhan ng CIDG, matapos mahuli sa aktong nagbebenta ng Ice Lerskin acne spot treatment at beauty products na walang Certification Product Notification (CPN) mula sa Food and Drugs Administration.
Ang mga ito na mahaharap sa kasong kriminal ay nakilalang sina alyas Kevin, alyas Leo, alyas Yin, at alyas Angelito, staff ng Sannyou Packaging Services.
Manny De luna