P7.00 na Pamasahe sa Jeep, Napagkasunduan ng Ilang Transport Group

Nagkasundo ang ilang transport group na ipatupad ang .50 na bawas sa mga jeepney fare. Kaya naman magiging P7.00 na lang ang pamasahe sa mga jeepney.

Target ng mga transport group na ipatupad ang rollback ngayong Biyernes, Jan. 22. Tiniyak ng LTFRB na mabilis nila itong maaaprubahan.

Pinag-aaralan naman ng LTFRB Chairman ang pag-aapruba sa petisyong ito, upang malaman kung magkano nga ba talaga ang dapat ibawas sa presyo ng pamasahe.

Please follow and like us: