Pag-amiyenda sa GAA partikular ang probissyon ukol sa pondo sa pabahay, pinag-aaralan na sa Kamara

Pinag-aaralan na ng Kamara ang pag-amyenda sa inaprubahang General Appropriations Act partikular na ang probisyon para sa pondo sa pabahay ng gobyerno.

Sa panayam ng Liwanagin Natin , sinabi ni Congressman Albee Benitez, chairman ng House Committee on Housing, itoy para magawa ang utos ng Pangulo na ibigay sa mga miyembro ng KADAMAY ang mga bakanteng housing project.

Paliwanag ni benitez, ang pondong ginamit sa naturang pabahay ay nakalaan sa Armed Forces at Philippine National Police personnel at hindi ito maaring basta na lamang ilipat kung walang gagawing amiyenda sa batas.

“ Bago magawa yun kailangan munang amiyendahan ang general appropiriations act dahil  ang pondo na ginamit ay mayintended for beneficiary ito ay yung afp hindi pwede ilipat without proper amendment, nagkausap kami ni Sec. Evasco babaguhin ang probsion sa gaa para magawa ang mga plano ng gobyerno”. – Cong. Benitez

Pero paglilinaw niBenitez, ang maari lang ibigay sa mga miyembro ng KADAMAY ay mga housing project na makatiwang-wang, wala pang benepisyaryo o kaya’y wala pang balak na lumipat ang sinumang na-awardan ng pabahay.

Hindi rin aniya ito maaring ibigay ng libre pero titiyakin ng kongreso na abot kaya ito lalo ng mahihirap.

Sa ngayon, umaapela si Benitez sa mga kapwa mambabatas na aprubahan na ang panukala para sa pagtatayo ng mga in city housing program at pagtatatag ng Department of Housing para masolusyunan ang problema sa pabahay lalo na sa mga informal settler.

 

Please follow and like us: