Pag-aresto kay Sen. de Lima patunay lang na gumagana ang hustisya sa bansa –House Speaker

alvarez

Patunay lamang na gumagana ang hustisya sa bansa.

Ito ang pahayag ni House Speaker Pantaleon Alvarez kasunod ng pag-aresto kay de Lima

Si de Lima ay una ng kinasuhan ng paglabag sa section 5 ng RA 9165 na may kaugnayan sa sale at trading ng iligal na droga kaya ito ipinaaresto ng korte.

Bukod kay de Lima kasama rin sa inaresto sina Ronnie Dayan na dating driver –lover bodyguard nito.

Matatandaang si Speaker Alvarez mismo ang naghain ng resolusyon sa kamara para paimbistigahan ang pamamayagpag ng iligal na droga sa New Bilibid Prisons.

Sa nasabing pagdinig tahasang isinangkot  ng mga sinasabing drug lord sa NBP si de Lima na nagsilbing protektor nila sa operasyon ng iligal na droga sa loob ng Bilibid.

Ulat ni :Madelyn Villar-Moratillo

Please follow and like us: