Pag-hire sa mga Pinoy na first time magtratrabaho sa Qatar, inihinto muna – POEA

Courtesy of Wikipedia.org

Pansamantala munang itinigil ang pag-hire sa mga Pinoy na first time na magtatrabaho sa Qatar.

Subalit tiniyak naman ng Philippine Overseas Employment Administration na makakabalik pa rin sa Qatar ang mga Overseas Filipino Workers na nakabakasyon ngayon sa Pilipinas sa kabila ng nangyayaring diplomatic crisis doon.

Ayon kay Rhea Glenda Calantas, officer-in-charge ng POEA Region 6, sa pamamagitan ng kanilang programa na “Balik Manggagawa”, pinapahintulutan ng Qatar ang mga Pinoy na makabalik sa nasabing bansa upang magtrabaho.

Ayon kay Calantas, kailangan lang  ng mga OFW na kumuha ng overseas exit clearance (OEC).

Maari rin aniyang pumunta sa opisina ng POEA para maliwanagan sa mga katanungan sa nangyayaring diplomatic crisis sa Qatar.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *