Pag-iyak ni PNP Chief dela Rosa ado walang epekto sa imbestigasyon sa Senado

Philippine National Police (PNP) chief Ronald Bato Dela Rosa gestueres during the senate hearng on kian's killing in Pasay, September 05,2017.(Czar Dancel)

Walang epekto sa imbestigasyon ng Senado ang pagiging emosyunal ng ilang resource person sa kanilang hearing.

Ayon kay Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs Chairman Sen. Panfilo Lacson, tutok pa rin sila sa reporma ng pambansang pulisya.

Kasama na ibig tutukan ni Lacson ang usapin ng training at regular na balasahan sa mga tauhan ng PNP, kahit ang mga nasa lower ranks.

Matatandaang kahapon ay pinatayo pa ni PNP Chief Ronald dela Rosa ang ilang baguhang pulis para ipakitang ilan sa mga ito ay tila kulang sa disiplina sa sarili at training kaya nagsisipagtabaan.

Hiling ni dela Rosa na mapunta sa kanila ang hurisdiksyon sa training ng mga Police candidate.

Samantala, patuloy na umaani ng iba’t-ibang reaksyon ang naging pag-iyak ng PNP Chief sa hearing ng Senado.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *