Pag-okupa ng KADAMAY sa Pandi Bulacan housing project, iimbestigahan din ng PNP

 

Iimbestigahan na rin Philippine National Police ang ginawang pag-okupa ng grupong KADAMAY sa mga housing unit sa Bulacan.

Ayon kay PNP Spokesman Senior Superintendent Dionardo Carlos, partikular na kanilang tututukan ang reklamong ang housing board ng PNP ang dapat sisihin sa pagkaantala ng pagdi-distribute ng mga pabahay sa mga pulis.

Sinabi pa ni Carlos na marami na sa kanilang miyembro ang nag-avail ng pabahay habang ang iba naman ay naka-pending pa ang aplikasyon.

Una nang kinansela ng National Housing Authority ang eviction order at nagsabing pinag-aaralan na rin ang pag-aaward ng naturang mga pabahay sa mga miyembro ng nasabing grupo.

Please follow and like us: