Pag-urong ng Dengvaxia cases sa mga korte, ipinagtanggol ng DOJ

0
DOJ-LOGO-540x340

Nanindigan ang Department of Justice (DOJ) na ibinatay lamang nila sa mga ebidensya, kaya ipinababawi na nito ang ibang kaso ng reckless imprudence resulting in homicide kaugnay sa Dengvaxia vaccination na naisampa na sa mga korte.

Ayon kay Justice Undersecretary Raul Vasquez, hindi naimpluwensiyahan ang DOJ ng sinumang ng mga personalidad na sangkot sa kaso.

Una nang sinabi ng DOJ sa resolusyon nito, na walang malinaw na causal link sa pagbakuna ng Dengvaxia at sa pagkamatay ng mga naturukan na bata.

Ayon kay Vasquez, “Hindi ma-establish ang koneksiyon nung tinatawag na commision of acts nila that led to the death, hindi nakita. Isa pang bagay ay yung paglapse ng considerable amount of time, yung ibang akusaso dyan nung nangyari ang inoculation ay hindi na sila connected, pano mo kakasuhan ang mga taong yan na wala na sa DOH. Saka isa pa, negligence chinarge mo pero conspiracy naka angkla, how could that possibly be co-exist, one is negligence na walang intent, yung isa naman conspiracy.”

Kaugnay nito, inihayag ni Vasquez na isasailalim din sa pagrebyu ng DOJ ang iba pang Dengvaxia cases na nakasampa na sa mga korte o nakabinbin pa sa kagawaran, at posibleng ipaurong o ipabasura rin ang mga ito dahil pareho lang ito ng mga alegasyon at ebidensya.

Aniya, “May darating pa dahil pare-parehas lang yan, same arguments yan, there are hundreds of cases that are pending before us na ganyan ang kaso na nakaharap sa amin.”

Moira Encina-Cruz

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *