Pag-urong sa korte ng Dengvaxia cases ipinag-utos ng DOJ; PAO inapela ang desisyon

0
DOJ FACADE

Ipinababawi ni Justice Secretary Crispin Remulla ang mga kaso ng reckless imprudence resulting in homicide na isinampa sa korte laban kay dating Health Secretary Janette Garin at dalawang iba pa kaugnay sa Dengvaxia vaccine.

Justice Secretary Crispin Remulla

Batay sa resolusyon ng DOJ noong January 10 sa petition for review na inihain ng kampo ni Garin, sinabi na matapos ang pag-rebyu sa mga ebidensya ng kaso ay nalang nakitang prima facie evidence with reasonable certainty of conviction.

Ayon sa resolusyon, walang malinaw na causal link sa pagbakuna ng Dengvaxia at sa pagkamatay ng mga biktima.

Kaugnay nito, sumugod sa DOJ ang mga pamilya ng Dengvaxia victims at lumuhod din ang ibang magulang para iapela ang pagbasura ng DOJ sa kaso.

Courtesy: pao.gov.ph

Naghain din ng motion for reconsideration ang Public Attorneys Office para ipabaligtad sa sa DOJ ang desisyon nito na iurong ang kaso laban kina Garin.

Iginiit ng PAO na may higit pang ebidensya para makakuha ng conviction laban kina Garin at may causal link sa Dengvaxia at sa pagpanaw ng mga estudyanteng naturukan.

Nasa hurisdiksyon din anila ng korte ang pagdetermina sa kredibilidad ng mga expert witness at nanindigan na may kriminal na pananagutan sina Garin sa pagkamatay ng mga biktima

Moira Encina-Cruz

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *