PAGASA, posibleng magdeklara na ng summer season

Posibleng i-terminate na ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration o PAGASA ang amihan season sa ikatlong linggo ng buwang ito.

Ito’y dahil sa unti-unting paghina ng hanging amihan na nagmumula sa China at Siberia na nagdadala ng malamig na hangin sa bansa.

Dahil dito, ibinabala ng weather bureau na asahan na ang mainit at maalinsangang panahon sa mga susunod na araw bagaman  may mararanasan pa ring mga pag-ulan lalo na sa hapon o gabi.

Hinihintay na lamang ng PAGASA ang paglakas ng easterlies o hanging nagmumula sa Silangan bago tuluyang pormal na ideklara ang panahon ng tag-init o summer season.

 

           

 

Please follow and like us: