Pagbabalik ng klase sa Hunyo sa susunod na taon nirerepaso na – EDCOM

Pabor ang mas maraming magulang sa panukalang ibalik ang klase tuwing buwan ng Hunyo kada taon.

Ayon sa mga magulang hirap ang mga bata tuwing summer dahil sa matinding init

Isa na rito ang apo lola Ester na may skin asthma na madalas aniyang umaatake kapag matindi ang init

Nanghihinayang rin ang mga magulang dahil nitong nakaraang school year binawasan ng isang oras ang klase para maagang makauwi ang mga bata dahil bukod sa siksikan sa classroom hindi na kinakaya ng mga electric fan ang matinding init

Ang isyu ng pagbabalik ng klase sa june ay nirerepaso na ng binuong second congressional commission on education o EDCOM

Ang EDCOM ang naatasang magsagawa ng assesment at evaluation sa performance ng sektor ng edukasyon sa pilipinas sa susunod na tatlong taon.

Meanne Corvera

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *