Pagbasa ng sakdal sa Cebu road rage suspect, ipinagpaliban ng korte

Iniurong ng Korte ang pagbasa ng demanda kay Cebu road rage suspect David Lim Jr. sa Hunyo 20.

Ito’y matapos maghain ng pleading ang kampo ni Lim sa pamamagitan ni Atty.Esteban Mendoza na humihiling na ibalik ang kaso sa Cebu City Prosecutor’s Office at magsagawa ng preliminary investigation sa akusado.

Dahil dito, binigyan ni Cebu RTC branch 5 Judge Ricky Jones Macabaya ang prosekusyon ng 15 araw para magkomento sa nasabing pleading.

Matatandaan na si Lim ay nahaharap sa kasong frustrated homicide at illegal possession of ammunition matapos barilin ang nurse na si Ephraim Nuñal dahil sa away-trapiko noong a-disi nueve ng Marso.

Ulat ni: Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published.