Pagbibigay ng ayuda sa PUV drivers pinamamadali ng mga Senador

Umapila naman ang mga Senador na sa gobyerno na paspasan ang pagbibigay ng ayuda sa mga driver ng mga Public Utility Vehicle

Ayon kay Senate president Vicente Sotto, may pondo naman ang gobyerno na maaring pagkunan ng DOLE out.

Kailangan aniyang tulungan ng gobyerno ang transport sector para hindi tamaan ang milyon milyong mga commuter.

Paalala naman ni Senador Nancy Binay ngayon pa lang bumabangon ang nasa sektor ng transportasyon na isa sa matinding hinagupit sa panahon ng pandemya.

Meanne Corvera

Please follow and like us: