Pilipinas,dapat makiisa sa kapayapaan, pagkondena sa pananakop ng Russia sa Ukraine

Dapat raw makiisa ang Pilipinas sa mga panawagan ng kapayapaan at pagkondena na itigil ang anumang invasion ng Russia sa Ukraine.

Nangangamba si Senador Ping Lacson na kung hindi mapipigilan ang krisis, maaring tamaan rin ang Pilipinas .

Kung magtatagumpay aniya ang invasion ng Russia hindi malayong gamitin itong halimbawa para tuluyang makubkob ang West philippine sea.

Bagamat maliit na boses lang kung ituring ang pilipinas, dapat tayong manindigan para sa kapayapaan ng buong mundo.

Meanne Corvera

Please follow and like us: