Pagbuhay sa isyu ng DDS laban kay Pang. Duterte bahagi ng demolition job para ibagsak ang kasalukuyang administrasyon ayon sa malakanyang

 

Davao-Death-Squads

Naniniwala ang Malakanyang na bahagi ng destabilisayon ang muling pagbuhay sa usapin ng Davao Death Squad o DDS para ibagsak si Pangulong Duterte.

Ito ang inihayag ni Presidential Communications Secretary Martin Andanar sa press conference sa Senado ng Free Legal Assistance Group o FLAG kung saan lumutang ang sinasabing group leader ng DDS na si SPO3 Arthur Lascañas.

Ayon kay Andanar batid ng publiko na ang lahat ng negatibong ibinabato kay Pangulong Duterte ay bahagi ng political drama at upang masira ang repormang ipinapatupad ng administrasyon.

Inihayag ni Andanar nilinis na si Pangulong Duterte ng Commission on Human Rights, Office of the Ombudsman at Senate Committee on Justice sa isyu ng DDS.

Niliwanag ni Andanar na hindi patitinag ang administrasyon para isulong ang mga pagbabago.

Ulat ni: Vic Somintac

 

 

 

 

 

Please follow and like us: