Pagbuhay sa ‘Pantawid Pasada Program’para sa mga pampublikong sasakyan, ipinapanukala ng DOF

Isinusulong ng Department of Finance ang pagbuhay sa ‘Pantawid Pasada Program’para sa mga pampublikong sasakyan.

Ito’y para maibsan ang epekto ng panukalang pagpapataw na mas mataas na excise tax sa mga produktong petrolyo na isinusulong sa Kamara.

Ayon kay House Ways and Means Committee Chairman at Quezon Representative Dakila Carlo Cua, malaking tulong ang pagbibigay ng subsidy sa mga public utility vehicle lalo’t lubhang makapagdudulot ng pasakit sa mga pumapasadang tsuper ang dagdag buwis sa petrolyo.

Bukod sa subsidy sa produktong petrolyo, isinusulong din ng DOF ang pagbibigay ng subsidy sa pasahe at pagtulong sa mga jeepney operators at drivers na palitan ng euro 4 ang kanilang mga makina.

Please follow and like us: