Pagdedeklarang persona non grata kay US envoy Agnes Callamard, makakasama lang sa bansa – Rep. Batocabe

Mapapasama lamang ang bansa kung idedeklarang persona-non -grata si UN envoy Agnes Callamard.

Sa panayam ng Saganang Mamayan sinabi ni Ako Bicol Partylist Representative Rodel Batocabe hindi siya sang ayon sa naturang panawagan ng grupong nagprotesta kahapon.

Aniya , mapapasama lamang lalo na ang imahe ng Pilipinas sa ibang bansa bansa kapag pinalayas si Callamard.

Paliwanag ni Batocabe , karapatan ni Callamard na magsalita at magbigay ng opinyon sa usapin ng extra judicial killings sa bansa dahil ginagampanan lamang nito ang kanyang trabaho .

sinabi pa ni Batocabe , kinakailangan lamang aniya na paliwanagan si Callamard na mali ang lahat ng kanyang pinaparatang sa Pilipinas.

dagdag pa ni Batocabe tama lamang ang ginawang pagdepensa ng Philippine delegation sa harap ng United Nations Human Rights Council kaugnay sa war against illegal drugs na sinimulan ni Pangulog Duterte.

Dahil, wala naman talagang sapat na ebidensya na magpapatunay na nilalabag ang karapatang pantao ng mga drug suspect at karamihan sa mga lumalabas na report ay fake news at exaggerated lamang.

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *