Pagdinig sa Tara system sa Customs, ipinagpapatuloy sa Senado

Ipinagpapatuloy ngayon ng Senado ang imbestigasyon sa alegasyon ni Senador Panfilo “Ping” Lacson hinggil sa umano’y pagtanggap ng tara o lagay sa Bureau of Customs.

Kasama sa mga humaharap ngayon sa imbestigasyon ng Blue Ribbon Committee sina Customs Commissioner Isidro Lapeña, mga opisyal ng Bureau of Internal Revenue,  Captain Nicanor Faeldon at Mike Ruben Taguba.

Si Taguba ay kasalukuyang nasa kostodiya ng Bureau of Jail Management and Penology sa Camp Bagong Diwa kaugnay sa kinakaharap na smuggling ng shabu mula sa China.

Ito na ang 13 pagdinig ng Komite sa mga kaso ng anomalya sa Customs.

 

Ulat ni Meanne Corvera

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *