Paggamit ng mga anonymous video recording bilang ebidensya sa krimen, maaaring maabuso – DOJ

Posible na maaabuso kung papayagan na tanggapin sa korte bilang ebidensya sa mga krimen ang anonymous video recording.

Ito ang pahayag ni DOJ Spokesperson Atty. Mico Clavano sa hiling ng abogado na si Raymund Fortun sa Korte Suprema na magamit bilang ebidensya ang video recordings mula sa hindi nagpakilalang tao.

Sinabi ni Clavano na marami na dapat ikonsidera gaya ng privacy at kredibilidad kung gagamit ng video recordings na mula sa hindi tukoy na indibiduwal na kumuha nito.

Ang layunin aniya ng pag-validate sa video recordings ng krimen ay matiyak na totoo at kapani-paniwala ito.

Gayunman, naniniwala ang opisyal na panahon na rin para rebyuhin ang mga panuntunan sa paggamit ng electronic evidence sa mga hukuman lalo na’t may social media phenomenon at mga naglalabasang anonymous videos sa internet.

Inamin ni Clavano na maging siya ay nakatatanggap ng maraming anonymous video recordings ng mga krimen at mga insidente.

Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *