Paghahain ng aplikasyon para sa magiging susunod na Ombudsman pinalawig ng JBC

Pinalawig ng Judicial and Bar Council o JBC ang petsa ng paghahain ng aplikasyon para sa mga nais maging susunod na Ombudsman.

Sa abiso ni Supreme Court Clerk of Court at JBC Ex-officio secretary Atty. Edgar Aricheta, tatanggap sila ng aplikasyon at rekomendasyon para sa posisyon ng Ombudsman hanggang Mayo 15 ng alas- 4:30 ng hapon.

Nakatakdang magretiro si Ombudsman Conchita Carpio Morales sa July 26, 2018 matapos ang kanyang pitong taong termino.

Si Morales ay itinalaga ni dating Pangulong Noynoy Aquino bilang Ombudsman noong July 2011 kapalit ng nagbitiw na si Ombudsman Merceditas Gutierrez.

 

Ulat ni Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *