Paghahain ng aplikasyon sa Bar exams, tuloy kahit pisikal na sarado ang Korte Suprema

Tuluy-tuloy ang paghahain ng aplikasyon para sa Bar examinations sa Nobyembre sa kabila ng pisikal na pagsasara ng Korte Suprema at mga tanggapan nito.

Sa abiso ng Office of the Bar Confidant, sinabi na maaari pa ring magsumite ang Bar applicants ng kanilang aplikasyon online sa pamamagitan ng Bar Personal Login Unified System (Bar PLUS).

Puwede ring ipadala ng mga aplikante ang kanilang mga katanungan ukol sa Bar Plus o sa proseso ng aplikasyon sa email address ng OBC helpdesk sa [email protected]

Ang helpdesk hotlines naman ng OBC ay maaari lang tawagan tuwing Lunes at Miyerkules mula ika-9 ng umaga hanggang ika-3 ng hapon dahil sa physical closure ng SC.

Una nang ipinagutos ni Chief Justice Alexander Gesmundo ang pagsasara ng Korte Suprema at ang lahat ng hukuman at judicial offices sa NCR hanggang Agosto 20 bunsod ng panibagong lockdown dahil sa Delta variant ng COVID-19.

Moira Encina

Please follow and like us: