Senado, aapurahin ang pagtalakay sa priority measures; Posibleng hindi magdaos ng sesyon sa panahon ng ECQ

Mamadaliin ng Senado ang pagtalakay sa priority bills ng Malacañang ngayong linggo.

Ayon kay Senate President Vicente Sotto III, kabilang rito ang Public Service at Foreign Service Act na inaasahang makatutulong para pabilisin ang takbo ng ekonomiya ngayong may Pandemya.

Maaaring hindi kasi aniya makapagsagawa ng sesyon ang Senado habang may umiiral na ECQ.

Hindi aniya nila maaaring balewalain ang payo ng mga eksperto sa pinangangambahang pagkalat ng Delta variant ng Covid-19.

Kahit fully vaccinated na isinasaalang-alang rin aniya nila ang mga empleyado na araw-araw nagko-commute para makarating sa Senado.

Meanne Corvera

Please follow and like us: