Pagkaka-aresto kay dating Cong. Arnie Teves, ikinatuwa ng biyuda ni Gov. Roel Degamo at iba pa

Photo courtesy of Mayor Janice Degamo FB

Wala umanong mapaglagyan ang kasiyahan ng biyuda ni Negros Oriental Governor Roel Degamo na si Pamplona Mayor Janice Degamo at ng iba pang pamilya ng mga pinaslang, matapos na maaresto si dating Congressman Arnulfo Teves, Jr., sa Timor Leste.

Si Teves ay nahaharap sa mga kasong murder kaugnay sa pagpaslang sa gobernador at walong iba pa noong Marso 2023.

Ayon kay Ginang Degamo, matagal nilang ipinanalangin na maaresto at mapanagot si Teves.

Aniya, mabuting simula ang pagkakahuli kay Teves, bagama’t alam nila na mahabang proseso pa ang paglilitis sa pinatalsik na kongresista.

Una nang kinansela ng Department of Foreign Affairs ang pasaporte ni Teves na inilagay sa Red Notice ng Interpol.

Sinabi ni Mayor Degamo, “I would like to visit him in jail. I would like to see him jailed.”

Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *