Pagkakaaresto sa ama ng Maute brothers malaking dagok sa mga terorista ayon sa Malakanyang

Naniniwala ang Malakanyang na malaking dagok sa teroristang Maute group ang pagkakaresto sa ama ng  Maute brothers na sina Abdulla at Omar.

Sinabi ni Presidential Spokesman Ernesto Abella ang pagkakadakip ng mga otoridad kay Cayamora Maute ay makakabawas sa puwersa ng Maute group sa Marawi City.

Ayon kay Abella pinupuri ng Malakanyang ang Task Force Davao na nakadakip sa matandang Maute.

Umapela din ang Malakanyang sa publiko na maging mapagmatiyag at makipagtulungan sa mga otoridad upang matapos na ang problema sa Marawi City at makabalik sa normal ang sitwasyon.

Ulat ni: Vic Somintac

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *