Pagkakaroon ng problema ng TNVS, dapat samantalahin ng taxi drivers para maibalik ang tiwala ng commuters – LTFRB

Pagkakataon na ng mga taxi operator at driver na ibalik ang tiwala sa kanila ng mga commuter habang may kinakaharap na problema ang mga Transport Network Vehicle Service na Grab at Uber.

Ayon kay LTFRB Chairman Martin Delgra, ito na ang tsansa upang patunayan ng mga taxi operator at driver na mali ang paniniwalang sila ay mga isnabero.

Ipinaliwanag ni Delgra na bahagi ito ng kompetisyon lalo’t inirereklamo na ng ilang operator at driver ang pagbaba ng kanilang kita dahil naaagawan ng mga Uber at Grab ang kanilang mga pasahero.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *