Pagkalas ng makabayan Bloc sa Kamara pagpapakita lang ng pagiging independent ng mga Kongresista ayon sa LP

Pinuri ng liderato ng Liberal Party ang  pagkalas ng mga kongresistang kasapi ng Makabayan Bloc sa Majority Coalition.

Para kay LP President Senator Kiko Pangilinan, ang pagpili ng Makabayan Bloc na maging independent ay magpapanatili sa demokratikong proseso sa Kamara.

Tiwala si Pangilinan na tatayo ang grupo bilang isang, vigilant, at credible fiscalizer laban sa mga pagkakamali at umanoy pag abuso ng duterte administrasyon.

Ipinaalala ni Pangilinan na sila din noon ay sumapi sa Senate Majority Bloc at nakipagtulungan sa administrasyon.

Subalit, ayon kay Pangilinan, dumating ang punto na kinailangan din nilang humiwalay sa Mayorya dahil sa serye ng mga hindi katanggap tanggap na pangyayari.

Ulat ni: Mean Corvera

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *