Paglalagay ng tarpaulin na ang Pilipinas ay probinsiya na ng China, isang kalokohan – Malakanyang

Itinuturing ng Malakanyang na kalokohan at kasinungalingan ang mensahe ng ikinabit na tarpaulin sa mga overpass sa ilang lugar sa Metro Manila.

Sinabi ni Presidential spokesman Harry Roque mali ang mensaheng ipinakakalat ng mga walang magawang mabuti dahil walang isinusukong teritoryo ang pamahalaan sa China.

Ayon kay Roque hindi na papatulan ng Malakanyang ang estilo ng mga nagpapakalat ng maling balita.

Inihayag ni Roque na bahala na ang taong bayan na alisin ang nasabing tarpaulin lalo na ang mga nangangailangan ng tarapal na maaaring gamiting pamunas o pantabing sa cr.

 

Ulat ni Vic Somintac

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *