Pagpapalakas sa healthcare system, dapat iprayoridad ng mga kandidato– Sen. Bong Go

Umapela si Senador Bong Go sa mga opisyal ng gobyerno at mga kumakandidato na magtulungang mapalakas ang pandemic efforts at healthcare system ng bansa.

Ayon kay Go, dapat maging prayoridad ng mga ito ang kapakanan ng mga Filipino.

Hinikayat din niya ang mga ito na ipagpatuloy ang legacy ni Pangulong Rodrigo Duterte, partikular ang pagpapalakas ng Malasakit Centers sa buong bansa.

Mahalaga aniya ito para masigurong hindi mahihirapan ang mga mahihirap nating kababayan sa paglapit sa gobyerno para sa medical assistance.

Ang Malasakit Center ay sinimulan ni Go noong
2018 hanggang sa naging batas ito.

Nabatid na may 149 Malasakit Centers na sa buong bansa.

Payo ng senador sa mga botante, kilatising mabuti ang mga kandidato at iboto kung sino ang tapat na magsisilbi sa publiko.

Madelyn Moratillo

Please follow and like us: