MMDA Chairman Benjamin Abalos , nagbitiw na sa pwesto

Nagbitiw na sa pwesto si Chairman Benjamin Abalos Jr. bilang chairman ng Metro Manila Development Authority.

Ayon kay Abalos, isinumite niya na ang resignation letter sa pangulo na epektibo na ngayong araw.

Kailangan niya raw kasi ng oras para tumulong sa pangangampanya ni Presidential aspirant Bongbong Marcos kung saan siya ang magiging National campaign manager.

Sinabi ni Abalos na noong biernes pa siya nagpaalam sa pangulo at tinanggap naman ang kaniyang pagbibitiw.

Nagpasalamat ito sa pangulo na binigyan sya ng pagkakataon para makapagsilbi sa MMDA.

Itinalaga naman ni Abalos si MMDA General manager Romando Artes bilang officer in charge hanggat wala pang itinatalaga ang Malacanang.

Si Abalos ay itinalaga ng pangulo sa pwesto noong january 2021 kapalit ni dating MMDA Chairman Danilo Lim na namatay sa COVID-19.

Meanne Corvera

Please follow and like us: