Pagpatay kay Albuera Mayor Espinosa, planado ayon sa PNP-IAS

espi

Courtesy of Wikipedia.org

Kumbinsido ang PNP Internal Affairs Service na planado ang pagpatay kay dating Albuera Mayor Rolando Espinosa habang nakakulong ito sa Leyte Sub-Provincial Jail noong nakaraang taon.

Ayon kay PNP IAS Inspector General Atty. Alfegar Triambulo batay sa kanilang findings may nangyaring sabwatan para patayin ang alkalde.

Matatandaang nabaril at napatay si Espinosa ng mga pulis habang isinisilbi ang warrant to search sa loob ng  selda nito.

Ayon  kay Triambulo may conspiracy sa mga pumasok sa selda ng dating alkalde.

Giit pa ni Triambulo kung may sabwatan kanila itong kinokunsiderang treachery.

 

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *