Pagpatay kay dating Mandaluyong City Prosecutor Pablito Gahol, pinaiimbestigahan ng DOJ sa NBI

Pinaiimbestigahan ng DOJ sa NBI ang pagpatay kay dating Mandaluyong City Prosecutor at Brgy. Chairman Pablito Gahol.

Sa Department Order 575 ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre II, inatasan din ang NBI na mag-case build up laban sa mga nasa likod ng pagpaslang kay Gahol.

Pauwi na sana si Gahol galing sa simbahan kasama ang kanyang asawa at anak nang tambangan ng mga suspek na nakasakay sa motorsiklo  sa Nuebe de Pebrero Street sa Brgy. Mauway.

Naisugod pa sa Ospital si Gahol pero idineklara ding Dead-on-arrival.

Ulat ni: Moira Encina

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *