Pagpatay sa beteranong mamamahayag na si Jesus Malabanan , kinondena ng Malakanyang

Mariing kinukundena ng Palasyo ng Malakanyang ang pagpatay sa isang veteran journalist at Manila Standard correspondent na si Jesus Malabanan.

Si Malabanan ay pinatay ng hindi pa matukoy na mga salarin.

Sa ulat na natanggap ng Presidential Task Force on Media Security pinagbabaril si Malabanan ng riding in tandem habang nanunuod ng telebisyon sa loob ng kanilang tindahan sa Calbayog Samar.

Nagawa pa umanong isugod ang biktima sa ospital pero idineklarang dead on arrival.

Kaugnay nito nagsasagawa na ang Philippine National Police o PNP ng malalimang imbestigasyon upang matukoy ang motibo at mahuli ang nasa likod ng krimen.

Tiniyak naman ng Presidential Task Force on Media Security na mabibigyan ng hustisiya ang pagpatay kay Malabanan.

Vic Somintac

Please follow and like us: